When Law School Gives You Lemons (Balikan Mo Ng…)

when_life_gives_you_lemons_1207335

Squeezed and squished beyond recognition lol!

Make a lemonade?

O idaan sa facebook at magpost ng pagkahaba-haba sabay lagyan sa dulo ng #lawschoolblues 😛

Alam mo yang sinasabi ko. Mapa-full time student ka man or working, lahat tayo napa-asim na ang mukha one way or the other sa law school. Sa atin lang yata hindi gumagana yung payo na “Okay lang yan.” Kasi deep down alam natin na hindi okay kapag poor ang performance natin at hindi magiging okay hangga’t di tayo nakakabawi.

So what do we do when law school gives us lemons?

Mag-English ng bongga, gumawa ng blogsite at ipost ang saloobin at magkunyaring anonymous. Tapos isesend rin naman ang link sa mga kaklase! Yun lang naman kasi ang kailangan natin diba? Mahihingahan, masasabihan, makukuwentuhan na walang sasagot pabalik. Hindi natin kailangan ng magsasabi satin na “Di mo kasi ginawa yung best mo,” o “Mali naman kasi talaga sagot mo” o “Hindi mo ba nabasa yung mga cases?” or “Full time student ka diba, kulang pa ba oras mo?” o “Diba judge papa mo?” o “Huwag ka na kaya mag-work.” Hindi natin kailangan ng magjujudge pa sa atin. Alam na alam natin saan tayo nagkamali, nagkulang o minalas.

What do we do?

Maghanap ng inspirasyon in any way possible, sa katauhan ng sino man na available ng mga oras na yun. Di kailangan ng seryoso o pangmatagalan, yung sapat lang para magkaroon ka ng rason pumasok araw-araw sa klase. Yung sapat lang na may humahanga sayo, whether intellectually or physically, okay na. Kailangan ng stress reliever, at konting romance/relationships ay pwedeng makatulong. Maganda nga kung law student din, kasi kung hindi, hahanapan ka ng time, more time. Pero kapag law student, you understand each other. Justifiable kung di makapagtext, chat, tawag o ano pa man. Busy kayo eh!

What else?

Lumipat ng school at maghanap ng komportable. Yung swak sa gusto natin, sa oras natin, sa trip natin, sa pride natin, sa lebel ng stress na kaya natin iendure. Yung mukha paring tayo maganda o gwapo dapat, yung di tayo dapat mukhang stressed, yung di na kailangan i-filter pa yung mukha natin dahil sa pula ng tigyawat o sa itim ng eyebags. Yung di tayo nananaba dahil sa stress eating at sa puyat. Lumipat. Maghanap. Dyan naman tayo magaling. Dyan ka naman magaling! Joke. Masarap ang komportable. Masarap pero nakakatakot din.

When law school gives us lemons…..

We Quit. End everything. Na parang walang nangyari. We have forgotten that somewhere along the road, or some time in our life, we have strived as a law student. At some point in our life, we have dreamed to be a lawyer and that we actually started the journey. But we quit, never wanted to try again. We have simply moved on.

So what must we do?

Hindi ko rin alam. May clear-cut answer ba? Wala naman yata. There are circumstances arising out of our will that we cannot control. Then there are poor choices we have made over the years that are haunting us now.

Originally, the quote goes as “When LIFE gives you lemons, make a lemonade.” It means be positive in the face of adversity. Merong can-do attitude dapat lagi.

But we can do more than that. Sabi make a lemonade. Meaning we use these lemons to make something out of it na refreshing and fulfilling. We create something good out of these struggles we face. Quitting, running away, being more afraid/discouraged, distancing ourselves, blaming ourselves, pitying ourselves, worse – blaming others, will not help us at all. Cry, scream, take a break, soul search, travel, if we must. But let’s not overdo it.

Tumayo tayo uli, bumangon at magbasa – MAG-ARAL. Itulak ang sarili na buklatin at basahin ang mga libro kahit di makapagpokus sa umpisa. Itulak ang sariling tapusin ang mga case digests kahit 1 oras nalang ang itutulog at may duty pa mamaya. Pintahan ng lahat ng kulay ang codal at gumawa ng sariling reviewer. Yan ang Okay! Dahil yan ang mga kapalit ng pangarap nating maging abogado. At lahat ng pangarap may kapalit na paghihirap at pagsisikap.

When law school gives us lemons, we fight back. We talk back. We reason out and we deliver. That is what we are trained to do, diba? We are reasonable and logical kind of people. Let us not waste the opportunity we have right now. Hangga’t kaya laban. Hangga’t may dugo at hininga, laban! Mala-300 ang peg natin dapat 😛

Malapit na naman kasi magpasukan. At alam ko yung pakiramdam na ito na naman ang pang-tatlo ko ng take na subject. Ito na naman yung feeling na mala-Prison Break na yung kwarto sa college of law kasi parang di ka na ga-graduate. Lumipas na yung apat na taon, 3rd year ka pa rin, irregular, hindi pa full-load. Nag-iba na yung curriculum offered ng college at nakailang palit na ng syllabus, andun ka pa rin. Hinihintay ka nalang ng boyfriend mo makagraduate para mapakasalan ka na niya kaso may mga subjects ka pang naiwan. 

These too shall pass. Remind yourself of that everyday. Hindi kasi pwedeng hindi. Wala ngang forever diba? Joke! Walang forever dapat sa law school.

Huwag kang mag-alala, di ka nagiisa ngayon. Di lang ikaw may ganyang sentimyento at pakiramdam. Kumapit ka lang at lumaban. Yung mga kaso ngang nababasa natin ilang dekada na lumipas bago nadesisyunan pero di bumibitaw yung mga parties. Tayo pa ba?

Pagkatapos mo itong basahin… Magtimpla ka ng lemonade. O kape. Kahit ano. Cheers tayo! Future companero, companera.

When law school gives you lemon, tanggapin mo. Pero huwag hanggang dun lang.

TANGGAPIN MO, TAPOS BALIKAN MO NG ATTY. 😉

P.S. Magbasa ka na!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s